Ang mga kabutihang aral na nakikita ko sa aming lakbay aral sa bahay ni rizal ay ang mga isinulat ni rizal na mga nobela na nagpapatungkol sa pananakop ng kastila at sa mga kalupitan ng kastila. Ang mga isinulat ni Rizal ay naglalaman ng mga salitang nagsasaad ng mga ginagawa ng kastila sa atin kaya tayo'y nagkaroon ng kakayahang lumaban at magkaisa upang maipaglaban ang kalayaan. Ang epekto nito sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang pagkakaroon natin ng kalayaan at mga bayaning nagsakripisyo upang magtagumpay ang pagsulong ng Pilipinas at makamit ang kapayapaang hinahangad.